Ang bagong alpabetong Filipino ay binubuo ng dalawampu’t-walong (28) letra.
1. Nahahati sa patinig at katinig ang mga letra ng alpabetong Filipino. Ang limang ( 5 ) patinig ay A, E, I , O , U.
2. Ang mga katinig naman ay binubuo ng dalawampu·t tatlong( 23 ) titik. Ang mga ito ay B, C, D, F, G, H, J, K, L, M, N, Ñ, NG,P, Q, R, S, T, V, W, X, Y, Z.
3. Walo ( 8 ) sa mga letra nito ay hiram sa Ingles at Español. Ang mga ito ay C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z.
4. Ginagamit natin ang mga titik na ito sa pagbabaybay ng mga hiram na salita at sa mga pantanging pangalan. Halimbawa: Corazon, Riza, Maria Clara, Anna